Tuklasin Ang Natatagong Yaman
Habang nasa biyahe kami nina kuya, tito, tita at ang kasintahan niya. Marami akong nakitang napakagandang tanawin.
Sayang nga lang sapagkat hindi ko ito nakunan ng litrato, sa kadahilanang wala akong dalang camera o kahit telepono man lamang. At dahil narin ang sasakyan namin ay aircon kaya ang bintana ay nakasara. Habang papunta kami sa aming destinasiyon, mayroon akong nakitang napakalinis na batis.
Kung saan kapag unang kita mo palang ay talagang mabibighani ka sa kanyang kagandahan. Sapagkat ang umaagos na tubig galing pang bundok ay napakalinaw at malinis. Makikita mo sa ilalim ng tubig ang mga buhay na bato. Kulay itim at puti pa ito.
Sa hindi kalayuan, may makikita kang palayan na napakalawak kahit tumingin kapa sa kanan o kaliwa. Mayroong nag-aararo, nagpupunla, may kumukuha ng tumubong palay na para ilagay sa bahaging hindi tinubuan, at inaani ang mga ito. Matatanaw mo rin ang mga palay na pawang sumasayaw at umiindak sa bawat tugtog ng hangin. At syempre ang pinakahinangaan ko dito ay ang iba't-ibang pormasyon ng mga bundok.
Sa wakas, nakarating na rin sa bahay ng tita ko. Habang naglalakad papunta sa tinitirikan ng kanilang bahay. Ang lugar na ito ay matiwasay at makikita mo ang nagtataasang mga puno ng Mahogany. “Wow” ang nasabi ko sa aking isipan. Sa aking paglalakad, nag-uusap kami ng kasintahan ng tita ko. Sabi niya sa akin, “gustong- gusto ko talaga dito sa lugar na ito, nakapamatiwasay”. At ako naman ay sumang-ayon agad sa sinabi niya sapagkat totoo naman talaga.
Papasok na ako sa bahay nila. Simple lang siya pero maganda. Nilapag ko agad ang bag ko at dali-daling lumabas papunta sa tito ko para yayain siya papuntan sa nakita kong tanawin at syempre para kumuha ng picture.
Pag-uwi namin, pumunta naman agad ako sa tabing dagat. Kasi ang bahay nila ay malapit lang din doon. Nakakamangha talaga dahil blacksand ito.
Umupo ako at hinintay ang paglubog ng araw. Sayang nga lang dahil tinakpan ng ulap na wari'y cotton candy ang pormasyon, kaya kunti lang ang liwanag na tumatagos paibaba.
Iba Pang Mga Nakuhang Litrato
Sa aking maikling paglalakbay na iyon, mayroong tatlong bagay akong natutunan. Una, napakaganda ang paglikha ng Diyos sa ating Mundo, kaya alagaan natin para hindi ito mawala. Ang sumunod naman, habang nabubuhay pa ang pamilya natin o ang mga taong mahal natin sa buhay ay mag-bonding tayo para mas mapalakas pa ang ating samahan. At ang panghuli, huwag matakot na bumiyahi ng mag-isa dahil ang Diyos ay nasa tabi lang natin palagi.☺



No comments:
Post a Comment